Ang ating demokratikong bansa ay magkakaroon na ng mga bagong mamumuno sa mga nalalapit na buwan. Punong-puno ang ating bansa ng mga napapanahong isyu at kung maaari'y masolusyonan ito ng mga bagong mamumuno. Tayo'y mayroong kalayaan sa pagpili ng ating mga iboboto at lahat ng ito'y nakabase sa paniniwala at pagtitiwala natin.

Ayon sa mga sunod-sunod na mga balita, hindi pa nagsisimula ang halalan ay ang mga alkalde at mga tumatakbo sa halalan ay kapwang nagsisiraan sa isa't isa. Napakalaki ng epekto nito sa ating lipunan na siyang daan at makakapaglaan ng ating kinabukasan. Mayroon tayong kakayahan, pag-iisip at puso para sa ikabubuti ng ating sarili at ng lahat.
Usap-usapan talaga ngayon ang halalan sa susunod na taon. Anim na taon matapos ang pinakahuling halalan ay magkakaroon na tayo ng mga bagong mamumuno. Ito'y nasa kapangyarihan ng lipunan. Hindi natin maiiwasan ang mga isyu sangkot sa pangyayaring ito. Isa na rito ang immoral na vote-buying o ang pamimili ng boto sa isa o sa grupo ng tao. Hindi pa man lumalabas sa balita ay tiyak itong mangyayari sapagkat ang mga tao ngayon ay napakadaling matukso ng kung sino-sino. Ilang mga tao ay mayroong tingin sa mga tatakbo sa halalan na korap kaya't sa kanilang kagustuhan ay dinadamay nila ang lipunan. Ang vote-buying ay hindi lamang isinasagawa ng mga kandidato, ito'y isinasagawa na rin ng mga tao. Sa pangangampanya kadalasang nangyayari ito. Alam ito ng karamihan ngunit walang nakakapagpruweba nito dahil tulad ng ibang mga ilegal na kasangkutan, ginagawa ito nang patago.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento